top of page
  • TikTok
  • Facebook
  • Instagram
Debt Dealings Hero.png

Debt
Dealings 

Maayos, makatarungan, at legal na pagresolba ng mga usaping may kinalaman sa utang.

Pagresolba ng Utang at Pautang:

Saklaw namin ang mga usaping may kinalaman sa pagkakautang at pagpapautang, kabilang ang negosasyon, restructuring, at pagkakasundo bago pa man umabot sa korte.

Debt Recovery at Collection Cases:

Tinutulungan namin ang mga nagpautang na mabawi ang kanilang karapatan sa pamamagitan ng legal na proseso — tulad ng demand letters, collection cases, at enforcement ng judgments.

Depensa ng May Utang:

Kumakatawan din kami sa mga may pagkakautang na nais makipag-ayos o ipagtanggol ang kanilang karapatan laban sa hindi makatarungang singil, harassment, o labag sa batas na pangongolekta.

Civil at Small Claims Proceedings:

Nagbibigay kami ng representasyon sa mga kasong sibil at small claims, upang mapadali at mapababa ang gastos sa pagresolba ng mga alitan ukol sa pera o obligasyon.

Negotiation, Settlement, at Mediation:

Pinagtutuunan namin ng pansin ang mapayapang pag-aayos ng sigalot sa pamamagitan ng negosasyon o mediation — upang makamit ang solusyon na patas sa magkabilang panig.

Home CTA Image.jpg

Simulan Natin sa Usapan

Makipagkonsulta sa aming abogado upang mabigyan ng tamang gabay, tamang hakbang, at tamang proteksyon ang iyong karapatan.

bottom of page