
OFW
Concerns
Pagprotekta sa karapatan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat at ng kanilang pamilya.
Employment Contracts at Recruitment Issues:
Tinutulungan namin ang mga OFW sa pag-unawa at pagsusuri ng kanilang kontrata, pati na sa mga usapin ng illegal recruitment, contract substitution, o paglabag sa terms ng employment abroad.
Claims at Labor Disputes Abroad:
Kumakatawan kami sa mga OFW at kanilang pamilya sa paghahain ng reklamo o paghingi ng benepisyo sa mga kaso ng wrongful termination, unpaid wages, o maltreatment, sa tulong ng mga ahensya tulad ng POEA, OWWA, at DFA.
Repatriation at Assistance to Families:
Nagbibigay kami ng legal support sa mga pamilya ng OFW para sa repatriation, pagkuha ng benepisyo, o pag-asikaso ng dokumento sa oras ng emergency, pagkakasakit, o pagkamatay sa abroad.
Marital, Property, at Custody Issues:
Tinutulungan namin ang mga OFW at kanilang asawa o pamilya sa mga usaping may kinalaman sa kasal, annulment, suporta, at kustodiya ng anak, lalo na kapag may implikasyon sa pangingibang-bansa.
Preventive Legal Guidance:
Nagbibigay kami ng paunang payo bago umalis o muling magtrabaho abroad — upang matiyak na legal, malinaw, at protektado ang bawat kontrata at karapatan.
