top of page
  • TikTok
  • Facebook
  • Instagram
Legal Kit ni Juan Hero.png

Legal Kit
ni Juan

Legal at Praktikal na Gabay sa
Pang-Araw-Araw ng Pilipino

Ang aklat na Legal Kit Ni Juan ay isang pang-araw-araw na gabay sa batas na inilaan para sa mga karaniwang Pilipino.

​

Una, layunin nitong gabayan ang bawat Pilipino tungkol sa kanilang mga batayang karapatan na kadalasang nasasangkot sa mga isyu sa araw-araw — tulad ng sa social media, ari-arian, pamilya, pag-aasawa, kapitbahayan, transportasyon, utang, kalakalan, trabaho, paaralan, at mga serbisyong pangkalusugan.

​

Ikalawa, bukod sa pagbibigay ng kaalamang legal upang malaman ng mga Pilipino ang kanilang mga karapatan, inilalahad din ng aklat ang mga mahahalagang hakbang na dapat gawin upang mapangalagaan ang mga karapatang ito, lalo na sa mga pagkakataong humaharap sila sa mga hindi inaasahang suliraning legal.

​

Sa kabuuan, hangarin ng aklat na ito na sa pamamagitan ng simple at diretsong pagpapaliwanag sa Tagalog ng mga batayang karapatan ng isang tao kaugnay ng mga karaniwang isyung kinahaharap nila, ay mapataas ang antas ng legal na kaalaman ng mga mamamayang Pilipino.

Photo of the book, Legal Kit ni Juan

Ang Nilalaman

Legal Kit Ni Juan – mayroon nang Pocket Full-Text Edition! Mas abot-kamay na ngayon ng mas maraming Juan!

​

Taglay nito ang mga karaniwang Sitwasyon, Karapatan, at Step-by-Step Guide para sa mga pang-araw-araw na usapin — mula social media, bahay, asawa at pamilya, kapitbahay, utang, biyahe, tindahan, trabaho, eskwelahan, hanggang ospital.

​

Isinulat sa simpleng Tagalog, direkta, at madaling maintindihan, upang maging gabay ng bawat Juan sa pag-alam at paggamit ng kanyang mga karapatan sa araw-araw na buhay.

​

Kung may health kit para sa ating kalusugan, nararapat lang na may Legal Kit Ni Juan para sa ating mga karapatan.

​

Sa loob lamang ng maikling panahon, ito ay naging Top-Selling #1 sa kanyang kategorya sa TikTok Shop Philippines.

Alamin ang iyong mga Karapatan sa Legal Kit Ni Juan.

Ang Legal Kit Ni Juan ay isinulat upang maging gabay ng bawat Pilipino sa pag-unawa ng batas at ng mga karapatan sa pang-araw-araw na buhay.

 

Madalas, ang mga isyung legal na kinakaharap natin—sa bahay, trabaho, pamilya, o komunidad—ay napagwawalang-bahala dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sa pamamagitan ng librong ito, layunin naming gawing malinaw, praktikal, at madaling maintindihan ang mga batas na may direktang epekto sa ating pang-araw-araw na sitwasyon.

​

Isinulat sa wikang Tagalog at English, ang Legal Kit Ni Juan ay nagbibigay ng mga konkretong halimbawa, paliwanag, at step-by-step guide upang magamit ng bawat Juan sa tunay na buhay. Higit sa lahat, ito ay paalala na ang batas ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat—upang ang bawat Pilipino ay maging may alam, may lakas ng loob, at may kakayahang ipaglaban ang tama.

Home CTA Image.jpg

Get Your Copy Now

Itigil ang pangangapa sa batas. Magsimula sa kaalaman.

Kunin ang gabay na magpoprotekta sa iyong mga karapatan.

bottom of page